
Dalawang taon na mula nang yumao si Bishop Solito Toquero, ngunit sa bawat pag-ikot ng mga araw, tila naririnig ko pa rin ang kanyang tinigβhigit lalo sa tuwing kailangan ko ng mga sagot mula sa aming mga kwentuhan noong nabubuhay pa siya. Hindi malakas, may konting kulit ngunit hindi mapilit; isang tinig na may lalim, na parang dumadampi sa kaluluwa. Katulad ng mahinang ihip ng hangin sa dapithapon, nag-iiwan ito ng kapayapaan at paalala: ππππππ‘π ππππ πππ, βππππ πππ πππ€πππ.
Madalas ko siyang makitang kausap ang mga magsasaka noon. Walang pulpitong naghihiwalay, walang pader ng awtoridad. Nakaupo lamang siya kasama nila, hawak ang tasa ng malamig nang salabat, habang buong-pusong dinadama ang bawat kwento ng hirap at pag-asa. Sa paraang hindi maipaliwanag, gumagaan ang bigat ng mundo kapag kasama siyaβparang may himig sa kanyang presensya na hindi mo naririnig, ngunit nananahan sa dibdib. Sa kanyang mga mata, walang mataas o mababa. Lahat ay anak ng Diyos na dapat igalang, pakinggan, at ipaglaban. Kaya nga tunay siyang πππ’π¬π©π¨ π§π πππ¬π.
At kapag siyaβy nagsalaysay, hindi lamang kuwento ang kanyang iniiwan. Para kang pinapabaunan ng liwanagβmaliit, ngunit sapat upang makita ang daan sa gabi ng pagdududa. Ang kanyang mga salita ay parang binhi sa lupa ng ating puso: tumutubo sa katahimikan, nagiging lakas sa panahon ng unos.
At marahil hindi na nakapagtatakaβSol ang kanyang pangalan, na ang ibig sabihin ay araw. At tunay nga: sa bawat kwento niya, may init ng pag-asa, may liwanag na gabay, may sikat na hindi naghihintay ng palakpak ngunit laging naroon upang samahan ka. Kaya hanggang ngayon, bitbit ko ang kanyang mga kwento at ang mga sandali ng aming mahahabang kwentuhan.
At ang kanyang ngitiβhindi lang basta ngiti. Isa itong paalala na ang kabutihan ay posible, at may puwang pa rin ang pag-ibig at katarungan sa mundong madalas sumisigaw ng kabaligtaran. Sa bawat ngiti niya, para bang sinasabi niyang, βππππππ‘π’πππ¦ ππ.” Para sa kanya, laging may pag-asa.
Sa dalawang taon mula nang siya’y lumisan, lalo kong nauunawaan na hindi siya talaga nawala. Nananahan siya sa tahimik na alaalaβsa mga lakad sa bukirin, sa mahinahong pakikinig, sa bawat taong pinili niyang damayan, at sa bawat paninindigang hinarap niya nang may tapang at lambing.
At sa pagdaan ng panahon, madalas kong isipin: kung siyaβy nabubuhay ngayon, hindi siya mananatiling tahimik sa harap ng anumang inhustisya. Maraming nakakakilala sakanya, alam naming may paninindigan siyang ipagpapatuloy. Kung narito siya, maririnig natin siya: malinaw at matatag, pinipiling sabihin ang totoo dahil mahal niya ang bayan.
Nananahan siya sa atinβsa ating pagpupunyagi para sa katarungan, sa ating habag para sa kapwa, sa ating pagnanais na hanapin ang liwanag kahit sa mundong nagluluwal ng lungkot at ligalig.
At sa katahimikan ng ating paggunita, bumabalik ang aral ng kanyang buhay:
“π§π ππ§π π©ππ π₯π’π₯π’π§π π€π¨π π¬π ππ’π²π¨π¬ ππ² π₯ππ π’π§π π©ππ π₯π’π₯π’π§π π€π¨π π¬π πππ¨βππ ππ§π π©ππ π₯π’π₯π’π§π π€π¨π π¬π πππ¨ ππ² π₯ππ π’π§π π©ππ -π’ππ’π .”
At sa pag-ibig, ang mga tulad niya ay hindi kailanman naglalaho. Mananatili silaβtulad ng tinig na dumarampi sa hangin sa dapithapon, tahimik ngunit totoo, buhay sa bawat pusong pumipiling ipagpatuloy ang landas na kanilang tinahak.
Maraming salamat Bishop Sol, isang mataas na pagpupugay! ![]()

Leave a comment