Madalas ipaliwanag at ilarawan ang Adbiyento bilang panahon ng paghihintay. Ngunit narito ang tapat at mabigat na katotohanan: ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐ญ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ก๐ข๐ก๐ข๐ง๐ญ๐๐ฒ. Madaling maghintay ang mga nasa poder, komportableng naghihintay sa kanilang mga luklukan at posisyong hindi naman nila pinagpaguran.
Pero para sa maramiโlalo na sa mga magsasakaโang paghihintay ay may ibang anyo. ๐๐๐ง๐๐ฒ ๐ฌ๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ก๐ข๐ง๐ญ๐๐ฒ; ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฆ๐จ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐ ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ ๐ญ๐ฎ๐ซ๐จ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ง๐ข๐ฅ๐. Naghihintay sila sa pag-usbong ng binhi, sa pagbabalik ng ulan, at sa panahon ng pag-aani. ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ก๐ข๐ก๐ข๐ง๐ญ๐๐ฒ ๐ง๐ข๐ฅ๐โ๐ฒ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ญ๐จ๐ญ๐จ๐จ, ๐ฆ๐๐ฒ ๐ฉ๐๐ -๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ค๐๐ฎ๐ ๐๐ญ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐จ ๐ง๐ ๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐.
Ngunit alam din nila ito: nagiging di-makatao ang paghihintay kapag ang mismong kawalan ng katarungan ang lumilikha ng pagkaantala at pagkahintoโisang pagkaantala na sistematikong sila ang puntirya. Kapag ang mahihirap ay pinaghihintay habang ang makapangyarihan ay binibigyan ng pribilehiyong mauna, ang paghihintay ay hindi na ganap na makatao at sagrado. Ito na mismo ang mukha ng kawalang-katarungan.
Sa Pilipinas, kung saan naka-ugat, naka-dugtong, at naka-lapat sa lupa ang buhayโang mga magsasaka ang nakapasan sa pisi ng pinakamahaba, pinakamasakit, at pinakamarahas na daluyong ng inhustisya. ๐๐ข๐ฅ๐ ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐ง๐ข๐ฆ, ๐ง๐๐ -๐๐๐ง๐ข, ๐ง๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ค๐๐ข๐ง, ๐๐ญ ๐๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ฌ๐โ๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ ๐ฌ๐ข๐ฅ๐ ๐ซ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ค๐๐ฆ๐๐ก๐ข๐ซ๐๐ฉ ๐๐ญ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ค๐๐๐ฉ๐ข.
Ang aking mga repleksyon, sanaysay, sermon, at adbokasiya ay sumisibol mula sa mga kuwento ng mga magsasakang patuloy na lumalaban, naghihirap, ngunit hindi sumusuko. Sa kanila nakaangkla ang aking pananampalataya, ang aking pag-asa, at ang aking pananaw na ang kapangyarihan ay hindi dapat nagmumula sa mapanupil na puwersa kundi sa kolektibong lakas ng taumbayan.
Habang ang mga pamilyang nasa poder at panginoong maylupa ay may pribilehiyong mauna sa yaman at proteksiyon, ang magsasaka ay patuloy na tumatawid sa mga balakid na hindi nila pinili: bagsak-presyong ani, pang-aagaw ng mga lupang sakahan, banta ng armadong puwersa, kawalan ng suporta, at korapsyong lumalamon sa pondong para sana sa kanila. Naghihintay sila ng makatarungang presyo, tunay na reporma sa lupa, at buhay na iginagalang ang kanilang luha, pawis, at dugo. Ngunit kahit sa paghihintay, hindi sila nananatiling tahimik at nagtitiisโsilaโy kumikilos. Lumalaban. Nag-oorganisa. Ipinagtatanggol ang lupa. At sabay-sabay silang bumabangon upang ang hustisya ay makamtan, hindi lamang para sa kanila kundi para sa lahat ng makikinabang sa kanilang ani.
๐๐๐ง๐๐ฒ ๐ฌ๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ก๐ข๐ง๐ญ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ -๐ฎ๐ฌ๐๐จ๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ก๐ข, ๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฌ๐ข๐ฅ๐ ๐๐๐ฉ๐๐ญ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐ก๐ข๐ก๐ข๐ง๐ญ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ญ๐๐ซ๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง.
๐๐๐ง๐๐ฒ ๐ฌ๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ก๐ข๐ง๐ญ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ -๐๐ง๐ข, ๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฌ๐ข๐ฅ๐ ๐๐๐ฉ๐๐ญ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐ก๐ข๐ก๐ข๐ง๐ญ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ ๐๐ฅ.
๐๐๐ง๐๐ฒ ๐ฌ๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ก๐ข๐ง๐ญ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐ฎ๐ฅ๐๐ง, ๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฌ๐ข๐ฅ๐ ๐๐๐ฉ๐๐ญ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐ก๐ข๐ก๐ข๐ง๐ญ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐๐ฌ๐๐ง.
Gayunpaman, patuloy nilang pasan ang mabigat na katotohanan ng paghihintay. Kapag ninanakaw ang pondong para sa proteksyon laban sa baha, bukirin nila ang direktang napipinsala. Kapag dumating ang bagyo, kabuhayan nila ang naglalaho sa isang iglap. Kapag wala nang ani at lumolobo ang utang dahil sa kapabayaan ng estado, ang gobyerno ay nag-aalok ng โayudaโโmga pautang na may interes, mga patibong na naglulubog sa kanila sa mas malalim na siklo ng utang at inhustisya.
Madalas sila rin ang nakararanas ng paglabag sa karapatang pantao. Sila ang tinatakot, ikinukulong, pinapaslang, at ang ilan sa kanila ay hindi pa rin natatagpuan hanggang ngayon. Samantala, ang makapangyarihan ay madaling nakakalusot: nakakatakas sa kaso, naluluklok sa mas mataas na posisyon, at patuloy na nakikinabang sa katiwaliang pinapasan ng bayan.
๐๐ ๐ ๐๐ง๐ข๐ญ๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐ฎ๐ง๐๐จ, ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ข๐ฒ๐๐ง๐ญ๐จ ๐๐ฒ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฉ๐๐ง๐๐ฐ๐๐ ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐ญ๐๐ก๐ข๐ฆ๐ข๐ค ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ข๐ฌ, ๐ค๐ฎ๐ง๐๐ข ๐ฉ๐๐๐ง๐ฒ๐๐ฒ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐จ๐ฌ, ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐๐ญ, ๐๐ญ ๐ค๐จ๐ฅ๐๐ค๐ญ๐ข๐๐จ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฅ๐๐๐๐ง.
Dumarating ang Adbiyentoโpayapa ngunit may tapangโsa mismong lupang sinikap ilibing ang hustisya at pag-asa. Ipinapakita nito kung sino ang laging nasa laylayan ng paghihintay at kung sino ang hindi kailanman kailangan maghintay. Inihahayag nito na ang Diyos ay nasa panig ng mga api, pinagkaitan ng inhustiya, at kinaligtaan ng lipunan.
Ang mga magsasaka ang pinakasanay sa larangan ng paghihintayโngunit hindi kailanman nila kailangan ng karagdagang aral ng pagtitiis at paghihirap sa anyo ng kawalan ng katarungan.
Ang kailangan nila ay pagkakaisa at pakikiisa ng mga komunidad na handang gibain ang mga estrukturang nagpapahirap sa kanila. Hindi lamang pakikiramay, kundi aktibong pagkilos at pakikipamuhay sa kanilang laban.
Ang hamon ng Adbiyento ay buwagin ang uri ng paghihintay na lalo pang nagpapalalim sa ugat ng kawalang-katarungan. Inaanyayahan tayong kumilos ngayonโhindi bukasโkasama ng mga magsasaka para sa lupa, dangal, at buhay.
At sa mga magsasakang pinaghihintay ng sistemang mapaniil, ipinapahayag ng Adbiyento, nang may propetikong pag-asa:
Hindi nalilimot ng lupa ang ating paghihintay.
Hindi katanggap-tanggap ang inhustisyang paulit-ulit tayong inilulubog sa putikan.
Sapagkat ang katarunganโhindi iyan pribilehiyong ibinibigay; iyan ay karapatang inaangkin.
At dito mismoโ ๐ฌ๐ ๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐๐ง๐ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ญ๐ฎ๐ฒ๐จ ๐ง๐ ๐ค๐๐ฐ๐๐ฅ๐๐ง ๐ง๐ ๐ค๐๐ญ๐๐ซ๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง, ๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ ๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฒ๐๐ฒ๐๐๐จ๐ง๐ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฆ๐๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ค๐โ๐ฎ๐ฎ๐ฌ๐๐จ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ข๐ฒ๐๐ง๐ญ๐จ, ๐๐ญ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ -๐๐ฌ๐โ๐ฒ ๐ฆ๐๐ง๐๐ง๐๐ญ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ.

Leave a comment