Hazel Joyce Domingo Salatan

Maka-Diyos, Maka-masa, Maka-bayan, Makata.

INA

Dakila ka…
Inalay ang bawat araw ng buhay ng walang alinlangan
Piniling igugol ang oras ng walang kapaguran
Ni minuto mo’y inilaan pa sa pag-iisip ng aming kapakanan

Kahanga-hanga ka..
Napapanatili mo ang kaayusan
ng may katatagan
Naibabahagi mo ang para sayo ng may kagalakan
Nagsisilbi kang liwanag na punong-puno ng kabutihan

Huwaran ka..
Dahil sa iyong likas na karunungan
Pang-unawa mo hindi mapapantayan
Sa mga bagay na mahirap maintindihan

Simbolo ka..
Simbolo ka ng pag-ibig na
walang hangganan
Simbolo ka ng pag-asa na laging may kasiguraduhan
Simbolo ka ng buhay na iyong lubos na iniingatan

Kaya naman..
Gusto ko rin maging dakila
Maging kahanga-hanga
Magsilbing simbolo at huwaran
Katulad mo aking INA..12744034_10205934612377590_1431205019416940167_n

Leave a comment