Someone asked me to write a poem (tula), I’m not good at it but i tried to write one..Korni lang talaga. 😀
Hindi ka mapakali ng ako’y parating
Ang kaba mo’y hindi maihahambing
Ngunit alam mong matagal mo itong hinintay
Kaya susubukan mong maging malumanay
Nakita ko ang ngiting ‘yon
Ramdam kong ako ang dahilan
Pati sulyap na pilit mong iniiwas
Na sa tingin mo’y hindi ko matutuklas
Tila hindi mo napansin ang oras
Sa dami ng mga salitang nabigkas
Mga mata mo’y tila nangungusap
Nagsasabing sana hindi na matapos ang paguusap
Subalit nais kong pansinin
Ang bawat salitang babanggitin
Ito’y hindi tungkol sayo
Bagkus, ito ang dala mo sa aking pagkatao
Hindi ako mapakali ng ika’y parating
Ang kaba ko’y hindi maihahambing
Ngunit alam kong matagal ko itong hinintay
Kaya susubukan kong maging malumanay
Nakita mo ang ngiting ‘yon
Ramdam mong ikaw ang dahilan
Pati sulyap na pilit kong iniiwas
Na sa tingin ko’y hindi mo matutuklas
Tila hindi ko napansin ang oras
Sa dami ng mga salitang nabigkas
Mga mata ko’y tila nangungusap
Nagsasabing sana hindi na matapos ang paguusap
Maraming katanungang walang kasagutan
Maraming ngiti at sulyap na walang mahanap na dahilan
Maraming oras na tila hinintay ng walang kapaguran
Ganito ka man sa aking buhay, patuloy kong iingatan ang hatid mong kalituhan

Leave a comment