Hazel Joyce Domingo Salatan

Maka-Diyos, Maka-masa, Maka-bayan, Makata.

AWIT mula sa Puso

 

Nakilala ko ang AWIT sa apat nitong letra

Association of Women In Theology ang sabi nila
Sa una’y hindi sapat ang aking kaalaman tungkol sakanila
Ngunit ako ay hinikayat sapagkat ako raw ay babaeng nag-aaral ng Teolohiya

Sa isang pagtitipon, lubos ko silang nakilala
Tunay na iba kung babae ang nagsasama-sama
Pag-aaruga at kalinga ay parang ng sa ina
Na may ginintuang puso para sa iba

Ako ay humahanga sa kanilang matatag na paninindigan
Sa kanila’y nananalaytay ang dugong may tapang na lumaban
Sa mga isyung iniiwasang harapin at talakayin
Ng mga bulag sa katotohanan at bingi sa sigaw ng kalupitan

Higit sa karanasan at teolohiya Ang dulot ng AWIT sa akin ng sila’y aking makilala
Sapagkat dama ko ang kanilang hinaing at adhikain para sa bansa
Sapagkat ako rin ay babaeng katulad nila

Leave a comment