Binansagan nyo kaming actibista
Dahil kami ba ay sumisigaw sa gitna ng kalsada
Nakataas ang kamao at waring may galit na itsura
Nakatindig, sumusugod, at nakikibaka
Ako ay nakikibahagi laban sa SSS at gobyerno
Na walang pakundangang ipinagkait ang karagdagang benepisyo
Sa mga walang mintis na nagbayad ng kontribusyon
At tila ngayon, sila pa ang nangungunsimisyon
Dahil ba dama ko ang hirap nila
Dahil ba nakita ko ang pag-iyak nila
Dahil ba nasaksihan kong nasa arawan sila
Dahil ba malinaw na walang hustiya
Ngayong ako’y galit at nagsasalita
Babansagan akong aktibista
Tawagin akong babae, naninindigan
Sa maliit na dagdag para sa ating kababayan

Leave a comment